I choose to stay. Away.

I choose to stay because I love you.

Dahil gusto kong makasama ka.

Dahil ikaw ang nagpatibok ng puso ko.

Dahil masaya ako sa ideya ng “tayo”.

Dahil gusto kitang ipaglaban.

Dahil ikaw lamang.

I choose to stay away because I love you.

Dahil gusto kong abutin mo ang mga pangarap mo.

Dahil ayokong makagambala sa plano mo.

Dahil “baka” hindi pa ito ang tamang panahon.

Dahil natatakot ako.

Dahil isinuko ko na ito sa Kanya.

Dahil kung tayo, tayo talaga.

And I found myself. Still. Choosing. You.

Pitong Pirasong Pag-ibig

Una

Nakilala kita ilang taon na ang nakakaraan.

Ikalawa

Naging magkaibigan tayo.

Ikatlo

Hindi ko namalayan na unti-unting nahulog ang loob ko sa iyo.

Ikaapat

Naghiwalay ang ating mga landas.

Ikalima

Ngunit tila tadhana ang nagbibigkis sa ating dalawa.

Ikaanim

Nagkita tayong muli.

Ikapito

Ang ating mga mata ay nagkatitigan. Tila nakikita natin ang walang hanggan. Ito ang naging simula.

ANTOK

Madalas ay nagpaparamdam ka sa akin tuwing hapon.

Miss mo na agad ako?

Subalit ang bawat paramdam mo ay hindi ko dapat pansinin.

Kaya’t susulatan na lamang kita ng tula.

Ikaw yung gustong-gusto kong makasama

Sa mga sandaling gusto ko lang ng kapayapaan.

Pansamantalang iiwan ang mundong ginagalawan

Habang binubuksan mo ang pintuan sa panibagong dimensyon.

Ako at ikaw lamang.

Mangangarap.

Paggising ko ay iniwan mo na naman ako.

Hahayaan mo lang ako na gawin ang mga bagay na dapat kong gawin.

Kinalaunan ay babalik ka rin

Kasabay ang pangakong binitawan:

Andito lang ako.

Inspired from the poem: Asan Ka Na? by Doctor Eamer

Bakit ba ayokong gumawa ng sulat?

Ito na ata ang pinakaayokong gawin sa aking trabaho – gumawa ng mga sulat.

Bakit kasi hindi ako ganoong kagaling sa English. Ang hirap mag-isip ng mga isasagot. Ang hirap mag-express ng mga gusto kong sabihin.

Pwede bang sulat para sa iyo na lang ang aking gawin? Kayang kaya ko iyon kahit ilang minuto lang! Parang ganito:

Sa aking ikaw,

Ikaw ang babaeng nagpatibok ng aking puso.
Ikaw ang babaeng handa kong hintayin.
Ikaw ang babaeng gusto kong makasama.
Ikaw ang babaeng nais kong makapiling.
Ikaw ang babaeng aking mamahalin.
Ikaw lamang.

Nagmamahal,

Ako.

Kamusta ka na kaya?

Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na malapit na tayong magkita. Ano kaya ang ginagawa mo ngayong mga oras na ito? Nagtatrabaho ka ba o nag-aaral pa? Lagi mong tatandaan na may isang ako na naghihintay sa iyo.

May mga oras na gusto ko lang isipin ay ikaw. Ano kaya ang itsura mo? Payat ka ba? Mataba? Maitim, maputi o kayumanggi? Basta alam ko masiyahin ka. Alam kong ngiti mo pa lang, iibig na ako.

Sa tuwing naiisip kita, ako ay kinakabahan. Sana ay magustuhan mo din ako. Sana ay maramdaman mo ang pag-ibig ko. Sana ay pagkaingatan mo ang puso ko. Sana ay sumagot ka ng OO kapag nagpaalam na ako na liligawan kita.

Sabay nating haharapin ang bukas na may pag-ibig sa ating mga puso. Sabay natin lalakbayin ang mga magagandang tanawin ng ating bansa. Sabay tayong tatawa, iiyak, magmuni-muni, at lilipad kasama ang ating mga pangarap.

Hindi ako bibitiw sa pagkakahawak ko ng iyong kamay. Balang araw.

Ako? Mabuti naman. Madaming ginagawa. Hinihintay na mag-alas singko.

Nathan Joaquin G. Paras

Malalim na AKO.

Nag-iisip. Nagmumuni-muni.

Gusto kong tumakbo palayo. Gusto kong umalis at pumunta sa dako paroon. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong iwanan ang lahat at pansamantalang magkaroon ng oras para sa sarili.

Sana andito ka na sa aking tabi. Sana magkakilala na tayo. Sana puwede na kitang makausap. Sana mayroong TAYO. Sana lang. Sana.

Gusto kong magplano ng buhay kasama ka. Gusto kong isama ka kung saan ako dadalin ng aking mga paa. Gusto kong lakbayin nating dalawa ang mundo. Gusto kong kasama ka lang.

Sana madami akong pera para hindi na ako nagkukumahog magtrabaho. Sana mayaman ako para nagagawa ko ang gusto ko. Sana hawak ko ang oras ko.

Pero alam kong lahat ng bagay ay may dahilan. Ang lahat ay naayon sa Kanyang plano para sa atin. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay.

Sa totoo lang, inaantok lang ako. Paalam.

-Nathan Joaquin G. Paras